You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Thursday, October 7, 2010

Pork Sisig ( my own recipe )



Mga Sangkap:


1/2 kilo maskara at tenga ng baboy
isang malaking sibuyas puti hiwain maliit
asin panimpla
1 kutsaritang pamintang durog
1 siling berde hiwain pahaba
2 kutsarang seasoning
kalahating kutsara mayonaise
mantika
1 itlog
1 kutsarang atay ng manok dinurog (iprito muna)
1 kalamansi at sili labuyo
margarine

Paraan ng Pagluluto:

1) ilaga ang maskara at tenga palambutin ng tama lang palamigin
2) iprito ang tenga at maskara at hiwain ng maliit
3) timplahin ng paminta at kaunting asin
4) isalang ang sizzling plate lagyan ng margarine at sibuyas
5) isunod ang seasoning at mayonaise lutuin ng 3 minuto
6) ilagay sa ibabaw ang atay at itlog i-design ang sili at kalamansi

No comments: