You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Monday, October 11, 2010

Sizzling Bangus Belly



Mga Sangkap:

2 bangus kunin ang gitna idaing ang hiwa
tanggalan ng tinik
paminta, asin panimpla
cornstarch
butter
1/2 tasang gatas malagnaw
2 kutsarang oyster sauce
1 tasang sabaw ng baka
2 kutsarang greenpeace, carrot, mais
beans
sayote
3 ktsarang mushroom sa lata
1 kutsarang cornstarch tinunaw sa kaunting tubig
mantika
1 itlog binati
bawang dinikdik
sibuyas hiwain pahaba

Paraan ng Pagluluto:

1) timplahan ng asin at paminta ang bangus
2) ilagay ang itlog at igulong sa cornstarch, iprito itabi
3) sa kawali lagyang ng butter lutuin ang greenpeace,mais ,carrot
ng dalawang minuto, itabi
4) igisa sa butter ang sayote at beans lagyan ng paminta 3 minuto lutuin
5) sa isang kawali igisa ang bawang sibuyas ihulog ang sabaw
isunod ang oyster sauce, mushroom pakuluan
6) ihalo ang gatas, at tinunaw na cornstarch timplahan
ayon sa lasa
7) iinit ang sizzling plate lagyan ng butter isunod ang piniritong
bangus lagyan ng sarsang niluto, ipaibabaw ang gulay ihain ng mainit