You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Tuesday, October 19, 2010

Liver Steak


Mga Sangkap:

1 kilo atay ng baboy hiniwa manipis
1 tasang toyo
1/2 tasang suka
1/4 tasang katas ng lemon
1/2 sibuyas ginayat
bawang dinikdik
1 sibuyas pabilog ang hiwa
laurel
pamintang durog at buo
mantika
1/2 tasang tubig


Paraan ng Pagluluto:

1) ilagay ang suka sa atay lamasin ibabad 15 minuto
2) igisa ang bawang, sibuyas at ang atay na nababad
sa suka lutuin ng 10 minuto
3) isunod ang toyo, laurel at paminta isama na ang tubig
lutuin sa mahinang apoy ,
4) pag kumukunti na ang sabaw ilagay ang katas ng lemon
mas masarap pag humiwalay na ang toyo sa mantika
5) ilagay sa plato ipaibabaw ang bilog na sibuyas