You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Monday, October 18, 2010

Chopseuy



Mga Sangkap:


1/2 tasang tubig
onion hiniwa
bawang dinikdik
2 kutsarang cornstarch tinunaw sa tubig
3 kutsarang mantika
2 guhit na kasim ng baboy, hiniwang manipis o hipon na walang balat
atay at balunbalunan ng manok hiniwa manipis
sari-saring gulay (carrots, celery, cauliflower, repolyo, kabute, youngcorn chiccharo etc) mabibili ito sa palengke
paminta at patis panimpla
3 kutsaritang oyster sause
Optional: itlog ng pugo nilaga

Paraan ng Pagluluto

1) igisa ang bawang sibuyas at isunod ang karne baboy at atay, balunbalunan, hipon nasa inyo na yon kung gusto nyo na maraming sahog
2) pag luto na ang karne isunod ang gulay maliban sa repolyo at celery
3) ilagay ang water, oyster sauce paminta haluin lutuin 5 minuto
4) ihalo ang tinunaw na cornstarch at natitirang gulay timplahan ng patis kailangan halp cook lang para malutong ang mga gulay lagay ang itlog ihain ng mainit


Ginisang Ampalaya na may Itlog


Mga Sangkap:

2 pirasong ampalaya hiwain
2 itlog
hipon
baboy
paminta
3 kutsarang toyo
asin panimpla
mantika
1 sibuyas hiwain
2 kamatis ginayat
bawang dinikdik

Paraan ng Pagluluto:

1) igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
2) isunod ang baboy lagay ang toyo lutuin 3 minuto
3) ilagay ang hipon haluin isunod ang ampalaya
haluin lagyan ng kaunting tubig lutuin 5 minuto
4) pag kumulo na ilagay ang itlog, paminta at asin
lutuin 3 minuto