You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Sunday, November 28, 2010

Pochero Manok


Mga Sangkap:

1 kilo manok hiwain sa tamang laki
3 saging saba
2 patatas hiwain sa tamang laki
1 karot
peachay bagiuo
beans
1 pakete tomato sauce
pork ang beans
1 sibuyas ginayat
bawang dinikdik
tubig
asin panimpla
pamintang durog
mantika

Paraan ng Pagluluto:

1) iprito ang saging hanggang magbrown, itabi
2) igisa ang bawang,sibuyas at manok lutuin 5 minuto
3) isunod ang tomato sauce, pork and beans at tubig pakuluan
ng 10 minuto
4) ilagay ang patatas ,karot lutuin 5 minuto at isunod ang
beans lutuin ang mga gulay
5) isunod na ang peachay bagiuo timplahan ng asin at paminta
lagay na ang napritong saging daapat lumapot ang sarsa

Friday, November 26, 2010

Tempura




















Mga Sangkap:

malalaking hipon na tinanggalan ng ulo at balat
1 tasang cornstarch
1/2 tasang harina
1 itlog
kaunting asin
mantika
gulay( talong, broccoli, sibuyas, siling pari kamote
at iba pa
2 tasang tubig

Para sa sawsawan:

tempura sauce nasa bote
ginadgad na labanos

Paraan sa Pagluluto:

1) pagsamahin ang harina, cornstarch,tubig, itlog at
kaunting asin, tubig haluin
2) sa kaserola , ilagay ang mantika na kalahati sa kaserola
painitin at iluglog lang ang hipon sa pinaghalong sangkap
at iprito at mga gulay
3) sa sawsawan ilagay lang ang ginadgad na labanos
sa tempura sauce

Wednesday, November 24, 2010

Honey Chicken Spicy ( Own recipe)





Mga Sangkap:


1 kilo manok hiwain sa tamang laki
asin
pamintang dorog
oregano powder
itlog
cornstarch
mantika

Sangkap ng Sarsa:

1/4 tasa butter
1/2 tasang barbecue sauce
2 kutsarang hot sauce

Paraan ng Pagluluto:

1) timplahin ng asin. paminta, oregano powder
ang manok ilagay ang itlog lamasin at sunod
ang cornstarch, iprito at itabi
2) sa mainit na kawali ilagay ang butter, barbecue sauce
at hot sauce lutuin 1 minuto
3) sa isang plato ilagay ang napritong manok budburan
ng sarsa ihain na mainit

Saturday, November 13, 2010

Broiled Pork Ribs ( Kalbi Korean recipe)




Mga Sangkap:

1/2 kilo pork ribs
bawang dinikdik
1 pulgadang luya hiniwa maliit
leeks tinadtad
1 sibuyas ginayat
1/4 tasang cooking wine
1/2 tasang toyo
3 kutsarang sesame oil
1/4 tasang asukal
1 tasang tubig
sesame seed
1 karot ginayat
pamintang durog
mantika
corstarch pampalapot

Paraan ng Pagluluto:

1) pagsamahin ang toyo, cooking wine, asukal
sesame oil, pamintang durog, bawang, luya
leeks, pork ribs ibabad ng 1 oras
2) igisa ang sibuyas at pork ribs lutuin ng 10 minuto
3) isunod ang pinagbabaran ng karne at tubig lutuin
sa mahinang apoy ng 1 oras hanggat lumambot
ang karne
4) palaputin ang sarsa sa kaunting cornstarch, ilagay sa plate
ibudbod ang sesame seed

Friday, November 12, 2010

Chicken Tim



Mga Sangkap:

4 na pirasong hita ng manok na may pigi wag hiwain
1 tasang light soya sauce
1/4 tasang cooking wine
1 sibuyas hiwain pahaba
1/2 tasang tubig
1/2 tasang asukal na puti
1 kutsaritang pamintang durog
5 piraso star anis
leeks hiwain
peachay bagiuo putulin sa gitna
1/4 tasang tubig na may 1 kutsarang cornstarch

Paraan ng Pagluluto:

1) pagsamahin ang lahat na sangkap sa kaserola maliban
sa leeks , peachay bagiuo at cornstach
2) hayaang kumulo sa mahinang apoy ng 1 oras
3) pagkaunti na ang sarsa, alisin ang manok itabi
4) sa kumukulong sarsa ilagay ang cornstach at peachay
bagiuo lutuin ng 2 minuto
5) sa isang plate iaayos ang manok at gulay ilagay ang sarsa
ipaibabaw ang leeks ihain na mainit

Thursday, November 11, 2010

Sizzling Porkchop with Gravy



Mga Sangkap:

A
porkchop
asin panimpla
pamintang durog
mantika

B

1 tasang sabaw ng manok
1 kutsara cornstarch tinunaw sa tubig
2 kutsara toyo
1/4 tasang gatas malagnaw
asin panimpla
pamintang durog

C
sizzling plate
butter
peachay bagiuo
1 tasang kanin

Paraan ng Pagluluto:

1) yung sa A timplahan ang porkchop at iprito
2) sa B pakuluan ang sabaw isama ang lahat ng sangkap
palaputin ang sarsa
3) pag luto na lahat, sa isang sizzling plate painitin
ilagay ang butter, ipatong ang 1 pilas na peachay
sa sizzling ilagay ang kanin itabi ang porkchop
at lagyan ng sarsa o gravy ihain hanggang mainit


Wednesday, November 10, 2010

Chicken Adobo



Mga Sangkap:

1 kilo manok hiwain sa tamang laki
1 tasang toyo
1/4 tasang suka
1/2 tasang tubig
1 sibuyas hiwain
bawang dinikdik
1/2 kutsaritang paminta di masyadong durog
laurel
mantika
sili pari
luya hiwain
1 kutsarang cornstarch ihalo sa tubig tunawin

Paraan ng Pagluluto:

1) igisa ang bawang ,sibuyas, luya isunod ang manok
lutuin 5 minuto
2) ilagay ang toyo ,paminta at laurel haluin lutuin 3 minuto
3) isunod ang tubig pakuluan 20 minuto
4) ilagay ang suka at sili pari haluin pag luto na manok
isunod ang cornstarch para lumapot ang sarsa, timplahan

Tuesday, November 9, 2010

Buttered Garlic Chicken


Mga Sangkap:

1 buong manok hiwain sa tamang laki
bawang dinikdik
1/2 tasang butter
3 kutsarang garlic powder mas masarap pag madami
1 kutsarang pamintang durog
asin panimpla
2 kutsarang oregano powder
1 kutsarang hoisen sauce
1/2 tasang cornstarch
1 itlog

Paraan ng Pagluluto:

1) pagsamahin ang asin, paminta,garlic powder, oregano powder
ilamas sa manok ibabad ng 5 minuto
2) pagkatapos ilagay ang itlog sa binabad na manok
ilamas ulit, isunod ang cornstarch haluin
3) isalang ang kawali lagyan ng kaunting butter
lutuin ang dinikdik na bawang ibrown itabi
4) sa pinagprituhan lagyan ng butter iprito ang manok
sa mahinang apoy hintayin mag brown ang manok
5) pagluto na ang manok ilagay ang hoisen sauce at
napritong bawang lutuin ng 2 minuto haluin
para di masunog, ihain ng mainit

Monday, November 8, 2010

Spaghetti Carbonara


















Mga Sangkap:

spaghetti pasta
1/4 bacon hiwain maliit
3/4 ginadgad na keso
3 itlog binati
1/4 tasang white wine
paminta at kaunting asin panimpla
parmesan cheese

Paraan ng Pagluluto:

1) pakuluan ang pasta, palambutin
2) prituhin ang bacon itabi
3) sa isang bowl pagsamahin ang binating itlog
keso, white wine
4) ihalo sa pasta timplahin ng paminta, asin
budburan ng parmesan cheese

Tuesday, November 2, 2010

All Soul's Day Parade (No cooking this time)

A week of so much fun with my honey, my family (at Bulacan) and of course with my lovely pet couple Lucky Boy and Chloe were so much memorable specially with my favorite Kalumpang Marikina Halloween Costume Parade. It was a third time watching these tradition and so far it almost surpassed my expectations. This time new participants with new horrifying attires captivated my imaginations as well as the fellow residents watching the parade. Take a look of some of the images my camera captured on this day, November 2, 2010. Meet the manananggal, bampiras, zombies, tiyanaks and other creatures of our wild imaginations and dreams.

I hope you won't lose your appetite after viewing the pictures he he he. Just for fun! Maiba naman para next time alam nyo nang pasarapin ang mga lulutuin nyo ha ha ha.