You can find your way across this country using burger joints the way a navigator uses stars. ~Charles Kuralt

Tuesday, January 18, 2011

Chinese Garlic Chicken



Mga Sangkap:

A

manok
1 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang toyo
asin panimpla
paminta durog

B

mantika
bawang ginayat
1 kutsarang sesame oil
2 kutsarang light soy sauce
1 kutsarang cooking wine
1/4 kutsaritang chili paste

Paraan ng Pagluluto:

1) Imarinate ang manok sa letter A ng 30 minuto
2) sa kawali lagyan ng mantika iluto ang manok
na minarinate ng 3 minuto
3) isunod ang nasa letter B lutuin sa mahinang apoy
ihain ng mainit

Lengua


Mga Sangkap:

dila ng baka
nestle cream
greenpease
1 latang mushroom
bawang ginayat
sibuyas hiniwa
mushroom powder
olive oil
paminta
beef cubes
1/2 tasang tubig

Paraan ng Pagluluto:

1) linisin ang dila ng baka kayurin, pakuluan
ng 40 minuto
2) pagmalambot na hiwain
3) sa kawali ilagay ang olive oil igisa ang bawang at sibuyas
isunod ang dila haluin
4) ilagay ang beef cubes, paminta at water lutuin 5 minuto
isunod ang greenpease at mushroom ilagay na din ang
mushroom powder at nestle cream lutuin ng 5-10 minuto