
Mga Sangkap:
1 kilo manok hiwain sa tamang laki
asin at pamintang durog panimpla sa manok
harina
1/4 tasang butter
1 puting sibuyas hiwain
tangkay ng celery hiwain isang pulgada
1 kutsarang dinikdik na bawang
1/2 kutsarang asukal
1/2 kutsarang cinnamon powder
1/2 tasang red wine
1 tasang tomato sauce
1/2 tasang sabaw ng manok
Paraan ng Pagluluto:
1) timplahin ng asin at paminta ang manok igulong sa harina
2) sa isang kawali painitin at ilagay ang butter iprito ang manok
3) itabi ang naprito , sa kawaling pinagprituhan igisa ang bawang
sibuyas at celery , ihalo ang manok ilagay ang red wine
asukal at cinnamon lutuin ng 5 minuto
4) ihalo ang tomato juice , hinaan ang apoy
5) isunod ang sabaw ng manok, pakuluan at palaputin ang sarsa
timplahan ayon sa lasa