Thursday, December 23, 2010
Pinasingawang Isda
Mga Sangkap:
2 nilinis na lapulapu
1 hiniwang sibuyas
4 na butil na bawang
dahong laurel
pamintang buo
asin
2 kalamansi kinatas
2 tasang mainit na tubig
mayonaise
hiniwang kamatis
pipino kahit wala na
Para sa sarsa:
2 itlog na nilaga hiwain ng maliliit
butter
1 kutsarang harina pinalapot sa tubig
1 tasang gatas na malagnaw
asin
pamintang durog
Paraan ng Pagluluto:
1) sa isang kawali ilagay ang isda, mainit na tubig,
sibuyas, bawang, dahon ng laurel, paminta ,
katas ng kalamansi at asin pakuluan sa atay-atay na
apoy
2) pag luto na ang isda ilagay sa bandehado , lagyan ng
mayonaise ang ibabaw ng isda, palibutan ng kamatis
Paggawa ng sarsa:
1) magtunaw ng butter sa mainit na kawali, ilagay ang
pinalapot na harina isunod ang gatas timplahan ng
asin at paminta palaputin ang sarsa
2) ibuhos ang nilutong sarsa sa isda at saka ibudbod ang hiniwang
itlog ihain ng mainit
Subscribe to:
Posts (Atom)