Monday, October 18, 2010
Chopseuy
Mga Sangkap:
1/2 tasang tubig
onion hiniwa
bawang dinikdik
2 kutsarang cornstarch tinunaw sa tubig
3 kutsarang mantika
2 guhit na kasim ng baboy, hiniwang manipis o hipon na walang balat
atay at balunbalunan ng manok hiniwa manipis
sari-saring gulay (carrots, celery, cauliflower, repolyo, kabute, youngcorn chiccharo etc) mabibili ito sa palengke
paminta at patis panimpla
3 kutsaritang oyster sause
Optional: itlog ng pugo nilaga
Paraan ng Pagluluto
1) igisa ang bawang sibuyas at isunod ang karne baboy at atay, balunbalunan, hipon nasa inyo na yon kung gusto nyo na maraming sahog
2) pag luto na ang karne isunod ang gulay maliban sa repolyo at celery
3) ilagay ang water, oyster sauce paminta haluin lutuin 5 minuto
4) ihalo ang tinunaw na cornstarch at natitirang gulay timplahan ng patis kailangan halp cook lang para malutong ang mga gulay lagay ang itlog ihain ng mainit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment