Mga Sangkap: Abeef steak
bawang
olive oil
paminta
asin panimpla
butter
Paraan ng Pagluluto:1) Iblender ang bawang at olive oil
2) lagyan ng asin at paminta ang steak
ibabad ang ang steak sa ibinelender na bawang
ng 30 minuto
3) sa isang pan lagyan ng kaunting butter at iluto
dito ang steak
Bbeans or asparagus
red onion gayatin
butter
pamintang durog
asin panimpla
1) ilaga ang gulay ng 2 minuto
pagkatapos ilagay sa malamig na tubig
2) sa kawali ilagay ang butter at sibuyas
isunod ang gulay timplahan ng asin at paminta
1 minuto para di malamog, itabi
Sa Sarsa2 itlog ,tanggalin ang puti ,pula lang kailangan
asin panimpla
2 kutsarita tinunaw na butter
1 kutsaritang dihon mustard
1 kutsarang lemon juice
kaunting parsley na hiniwa maliit
Paraan sa paggawa:
1)batihin ang itlog ilagay ang lemon juice
batihin maigi
2) sa kumukulong tubig ipatong dito ang lagayan
ng binabating itlog ipagpatuloy batihin
singaw ng kumukulong tubig ang magpapaluto sa
itlog gawin ng 2 minuto
3) pag nag dilaw na ilagay ang butter,mustard
kaunting asin batihin ulit hanggang lumapot
ilagay ang parsley
Plate Arrangement1)ilagay sa palato ang steak
2)sa tabi ng steak ilagay ang gulay, lagyan ng sarsang
ginawa ihain na mainit