Tuesday, January 25, 2011
Relyenong Bangus
Mga Sangkap:
-bangus na inalisan ang laman
pwede ipagawa sa palengke
-sibuyas ginayat
-giniling na baboy
pasas
greenpeas
keso ginadgad
bread crumbs
itlog
karot ginayat
toyo
kalamansi juice
paminta durog
asin panimpla
mantika
foil
Paraan ng Pagluluto:
1) yung balat ng bangus ibabad sa toyo na may kalamansi
2) steam ang laman ng bangus ng 5 minuto
palamigin at himayin ang laman sa tinik
3) igisa ang sibuyas, isunod ang giniling, greenpeas at karot
lutuin 2-3 minuto
4) pagkatapos ilagay sa bowl ang niluto isama ang hinimay
na bangus, ilagay ang bread crumbs, pasas, ginadgad na keso
itlog, paminta at asin panimpla, haluin o lamasin
5) kunin ang binabad na balat ipasok ang lahat na laman
at ibalot sa foil, iprito sa mahinang apoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment