Thursday, December 23, 2010
Pinasingawang Isda
Mga Sangkap:
2 nilinis na lapulapu
1 hiniwang sibuyas
4 na butil na bawang
dahong laurel
pamintang buo
asin
2 kalamansi kinatas
2 tasang mainit na tubig
mayonaise
hiniwang kamatis
pipino kahit wala na
Para sa sarsa:
2 itlog na nilaga hiwain ng maliliit
butter
1 kutsarang harina pinalapot sa tubig
1 tasang gatas na malagnaw
asin
pamintang durog
Paraan ng Pagluluto:
1) sa isang kawali ilagay ang isda, mainit na tubig,
sibuyas, bawang, dahon ng laurel, paminta ,
katas ng kalamansi at asin pakuluan sa atay-atay na
apoy
2) pag luto na ang isda ilagay sa bandehado , lagyan ng
mayonaise ang ibabaw ng isda, palibutan ng kamatis
Paggawa ng sarsa:
1) magtunaw ng butter sa mainit na kawali, ilagay ang
pinalapot na harina isunod ang gatas timplahan ng
asin at paminta palaputin ang sarsa
2) ibuhos ang nilutong sarsa sa isda at saka ibudbod ang hiniwang
itlog ihain ng mainit
Wednesday, December 22, 2010
Chicken Mushroom Creama ( my own recipe)
Mga Sangkap:
manok hiwain sa tamang laki
1 nestle cream
1 sibuyas ginayat
1/2 tasang chicken stock
karot hiniwa maliit pa cubes
paminta
asin panimpla
mantika
1 latang mushroom
Paraan ng pagluluto:
1) lagyan ng mantika ang kawali painitin isangkutsa
ang manok ng 5 minuto
2) isunod ang sibuyas haluin, ilagay ang chicken stock
pakuluin 5 minuto
3) ilagay ang nestle cream , mushroom at karot
lutuin ng 5 to 10 minuto lagyan ng paminta at timplahin
ng asin ayon sa panglasa
Chicken Cordon Bleu
Mga Sangkap:
chicken breast
ham
keso
bread crumbs
1 itlog
paprika
asin
mantika
toothpick
Paraan ng pagluluto:
1) ilatag ang chicken breast lagyan ng paprika at asin
2) ilagay ang ham at keso ifold lagyan ng toothpick
sa magkabilang dulo
3) pagkatapos igulong sa itlog at beadcrumbs , iprito sa mahinang apoy
4) pagnagolden brown na , hiwain na pa sliced
Subscribe to:
Posts (Atom)